Sarap ng feeling na makatulong kahit konti :’)
Kanina kasi, after mass. E di bumaba kami mula sa simbahan. Dun kasi kami mag-aabang ng jeep. Tapos may tumawid na matanda. Nahulog yung mga lotto cards or kung ano mang tawag dun. Nakita nung isa kong kasama. Nung una, di ko nilapitan kasi kala ko napupulot naman niya ng ayos. Kaso may malapit na van na. So yung pinsan ko nagsignal na. Tonulungan naming tatlo na magpulot nung cards. Tapos nung napulot na lahat, kitang kita sa mga mata niya na sobrang natutuwa siya nung nagpasalamat siya. Sobrang ngiti niya. Tos nakatuloy na siya ng pagtawid Ayown! Sobra akong natuwa. Sobrang gusto ko kasi lagi tumulong sa matanda. Kung may maibibigay lang ba ako sa bawat matanda na nanghihingi e :( Kaso wala. Kaya hindi ako nakakabigay :(
Yun lang naman. Sana makatulong uli ako sa matanda next time para pati ako masaya :)