BiTTER SWEET.

Ba’t ganon?

Ilang araw ng laman ng panaginip ko ang Kikoids (kaklase ko nung HS). Sobrang mahal ko kasi sila. Tapos yung mga nangyayari pa, alam kong High School pa lang kami don. Tapos sa OLCA pa yung setting. Medyo may iba nga lang. Parang laro laro lang kami don. Agawan ng food. Hindi ko alam king anong klaseng laro yun. HAHAHA. Patapos na daw yung fourth year. Sabi ko pa, “Madaming maiinggit sa atin kasi madami tayong walang klase.” Dun kasi, malapit na ang career week. Tapos napag-isip isip ko, magiging malapit na din ang graduation. Pano na ako? Kaya ko kaya. May maging friends kaya ako? Andaming tanong. Tapos naiiyak na ako.

Then, tada! Nagising ako at nasabi ko na lang. College na ako. Patapos na ang 2nd year. Naisip ko bigla ang debut ko. Sabi ko kasi kina Charie nung huli kami nagkita which was last saturday, kelangan aattend sila.

Tch! Bakit ganyan sila magparamdam. Sobra ko silang namimiss ngayon. Ganun din kaya sila? Siguro, hindi :( Namiss ko tuloy yung HS. Wala masyadong problema. Miss ko na lahat :(((((


I love you, Kikoids!


To Tumblr, Love PixelUnion